Ipakilala Mo Naman Ako Kay Bob Ong...

Nasa proseso ako ng pagsusulat ng susunod kong pelikula...
At kasalukuyan akong nagbabasa ng mga Filipino Fiction...

Ang tema kasi ng pelikula ay isang silip sa buhay ng mga Pilipinong ina...
At kung paano nila suportahan ang mga pangarap ng kanilang mga anak...

Naghahanap ako ng mga artikulo na tumatalakay sa mga babae, anak, ina, at Filipina...
May mga nadaanan akong gawa ni Bob Ong na labis na nakaapekto sa akin...

Sa libro niya na "Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino'...
Na kasalukuyan kong binabasa...
Nabanggit niya ang linyang ito...

"...ANG MGA MAMEMELIKULA AY KAILANGANG GUMAWA NG BASURA PARA
KUMITA. KUNG BAKIT MGA BASURA ANG KUMIKITA AT KUNG BAKIT
GUSTONG-GUSTO ITO NG MGA PILIPINO AY WALANG NAKAKAALAM."

Bigla akong nagkaroon ng pagnanais na makausap si Bob Ong...
At maitanong sa kanya kong ano ba ang pamantayan upang maituring na 'basura' ang isang pelikula...
Dahil kahit gusto ko ng pelikulang kumikita...
Ayokong gumawa ng 'basura'...

"... ANG MGA KUMIKITANG PELIKULA AY TUNGKOL SA ITLOG,
KANGKONG, GATAS, PINYA AT TALONG."

Eh, isang joke tungkol sa saging ang inspirasyon ng susunod kong pelikula...
So may posibilidad ngang kumita ito...

Gusto kong itanong kay Bob Ong kung paanong maiiwasang maging basura ang isang pelikulang nakakatawa...

"...LAGING MAY MGA PELIKULANG HINDI MAPAGDESISYUNAN KUNG
BASTOS O MASINING."

Lalong umigting ang pagnanais ko na makausap ng personal si Bob Ong.

Baka hindi ko pa kayaning gumawa ng pelikulang masining...

Pero matagal na akong nakapagdesisyon...
Ayokong gumawa ng pelikulang bastos!

Kung kilala niyo naman si Bob Ong...
Gusto ko din siyang makilala...
Makahuntahan...
Makabalitaktakan...
Kung papalarin ay mahiram ang ilang linya sa kanyang mga libro...

Nais kong matuto sa kanya...
at si 'Mrs. Recto'.

                            

The Secret. God. Mac. Me. And God.

/THE SECRET/

When was the last time you uttered a silent prayer…
Or ni hindi mo pa nga pinagdasal…
Basta naisip mo lang…?

Tapos nangyari ang gusto ng utak mo…
O mas maganda pa sa naiisip mo…

Ang tawag diyan ng mga taong fanatic ng ‘The Secret’,
Pagbato daw sa ‘universe’…

Nakikinig din ako ng ‘The Secret’…
Audiobook kasi ang akin… download ni Chechel Joson sa iPod ko…
Pero tulad ng napag agree-han namin ni Sharon Cuneta sa isang pag-uusap…
Ang paggamit sa librong ito ng ‘universe’ bilang tagapagdinig ng mga hiling ng puso natin ay para maging universal at non-sectarian lang ang concept…


/GOD/

Kung naniniwala ka naman sa Diyos…
At Kristiano ka…
Try mo i-replace ang bawat banggit sa The Secret ng ‘universe’ ng God o Jesus Christ…
Mas maa-appreciate mo ang libro…

I did that…
At na-appreciate ko ito ng bongga…
Ng bonggang bongga!


/MAC/

Plano kong magsulat ng susunod kong pelikula habang nasa Europe ako…
Kaso bago ako umalis nasira ang battery ng laptop ko…
Hindi na siya nagcha-charge…
Dapat nakasaksak the whole time…

Wala tuloy ang naisulat sa loob ng isang buwan na nandun ako…
Salitan lang kasi kami ng adaptor sa pag charge ng lahat ng gadget pag nasa hotel…
At slightly snobbish ang mga garcon… mahirap makisaksak!

Pagbalik ko sa Pinas…
Pini-pressure na ako ng aking Panoramanila peeps to write…
Pag labas ko daw mula sa Palawan…
Or after dapat after the Paris Cinema trip…
Dapat may gawa na ako…

Sabi ko, ‘penging laptop’…
Spoiled ba ako?
Sabi nila, ‘Ipag pray mo at maghintay ka…’

Gusto ko maliit na…
13” siguro na black…
Ang bigat kasi ni Papadom sa likod…
Ang aking 17” Mac PowerBook G4…

Pero gusto ko malaki ang screen…
Kasi malabo na ang mata ko…
Dini-deny ko lang…
Ayokong magsalamin…

May desktop naman sa kwarto ng parents ko dito sa Puerto Princesa…
Pang chat nila sa mga kapatid ko abroad…
Pero isa ako sa naniniwala sa kasabihang…
‘Once you go Mac… you can’t go back!’


/ME/

Pagdating ko dito sa Palawan gusto ko ng magsulat…
Kaso naiinis ako sa laptop ko na huwag ka lang magalaw…
Namamatay…
Tapos restart ka uli…

Minsan over dinner sabi ng Ate Dolly ko…
May napanalunan daw siyang computer sa isang raffle…
Baka gusto ko daw gamitin muna…

May tindahan kasi sa baba ng bahay namin…
At hilig nun na pirmahan ang lahat ng mga wrappers na may pa-raffle kung wala siyang magawa…

Puede rin…
Pero paano na ang kasabihang…
‘Once you go Mac…’?
Ayoko naming maging taksil sa sumpaan…


/AND GOD./

Bago pala ako umuwi sinasabi na ni Ate sa mga tao ditto sa bahay na mukhang ako lang naman daw ang gagamit ng computer na ‘yon…
Hiya naman akong i-turndown siya…

Kaya sinilip ko na rin ang box sa kwarto niya…
Di niya kasi nilabas hanggat wala ako…

Aba, Mac!!!
Bonggang silver na desktop…
Na may remote control pa ang DVD Player…

Ayun…
Na-assemble agad sa kwarto ko the next day…

Di ko alam ang specs nito…
Wala naman akong alam sa ganun…
Pinicturan ko na lang…

Pero dalawang araw nang nandito sa kwarto ko ang Mac na ito…
Di pa rin ako nakakapagsulat…

Tinititigan ko lang…
At bumabalik balik sa akin ang turo ni Tita Coney Reyes dati…

God daw has four possible answers to every prayer…

Yes.
No.
Wait.
Not that… I have something better!

I got the ‘something better’!
I just replaced the ‘universe’ with ‘Jesus Christ’ in my prayers.
That is ‘The Secret’.

Image001

Para Sa Mga Nagmahal At Nagtiwala... Ang PLONING Trailer!

grabeeeehhhh!!!!...
ang haba ng pinagdaanan...

naka ilang palit ng score...
nariyang hindi mai-release dahil kailangan ng karagdagang budget para makagawa ng kopya para sa MTRCB...
ang muntik-muntikan ng pagpapalit ng playdate dahil makakabangga daw namin ang ilang malalaking pelikula...
may ilan pang nagsasabing 'suicide' daw ang project na ito...

eto na po...

http://www.youtube.com/watch?v=JmDZTGV5x04

tuloy na tuloy na sa April 30...

ang homage ko sa Sampaguita at LVN pictures...

mas pinoy pa sa tinola...
may hatid na konting sakit dahil ikaw ang nagpalaki ng manok at kinakatay ito sa harap mo...
pero hindi mo pagdududahan ang sarap kasi ikaw ang nagtanim at sa bakuran mo pinitas ang mga sangkap...
isang pelikula na nagsasalarawan uli ng isang MAGANDANG PILIPINAS...

para sa mga nagsasabing 'suicide' ang project na ito...

ito po ang sabi ng character ni Celeste sa pelikula...
na ginampanan ni Mylene Dizon...

"dalawa lang ang puedeng mangyari sa lumulundag sa bangin ng may tiwala sa Diyos...
sinasalo Niya...
o tinuturuan Niyang lumipad..."

ang full-trailer na hudyat na paglipad ni Ploning...

walang takot naming susuungin ang ilang malalaking pelikula...
tulad ng kung paanong hindi ka matatakot na may katabi kang nagtitinda ng katulad ng paninda mong pagkain sa isang food court...
basta tiwala ka sa produkto mo...

gaano ako katiwala sa pelikulang ito...?

maliban sa akin...
napamahal sa lahat ng taong nakibahagi ang proyektong ito...
at ika nga ni Ploning...

"ang nagmamahal... nagtitiwala..."!

When God Told Me, "Quota Ka Na!"

Dalawang linggo na ako dito sa Puerto Princesa.
Nagsusulat…
Nagninilay-nilay…
Naka tatlong balik ako sa Manila within that period.


Sa mga nagdaang araw labis labis ang kaligayahan na nararamdaman ko…
Sobrang in touch ako sa sarili ko at kay God…
Maari kong sabihin na,
‘I was never better’… hehehe!

Gumigising ako sa umaga na napakagaan ng pakiramdam.
Pagbaba ko ng bahay, kakilala ko ang mga nakakasalubong at binabati ng ‘magandang umaga’…
Magsusulat…
Konting work out…
Sulat uli…

Siesta…
Mamamalengke ng mga murang seafoods…
Magsusulat habang hinihintay maluto ang hapunan…

Paglubog ng araw, magmamano sa mga magulang ko…
Maghahapunan kasama ang pamilya…
Magsusulat uli habang nagpapa antok…

Tuwing naiisip ko si God, isang dasal lang ang naiuusal ng puso ko…
‘pahingi pa po ng maraming ganitong mga araw’…

Bumabalik lang ako sa Manila para mag taping at mag shooting.
Pero naiiwan dito ang puso ko.
Dahil kaya panahon na para tutukan ang mga bagong dapat na ginagawa ko?

Today, makakakuha ako ng anim na libong piso mula sa isang network…
Sa November 28, isa daw ako sa mga bibigyan ng plaque…
At isang 18k na alahas…
Lahat ng ito ay bilang pabuya sa sampung taon kong paglilingkod sa kanila…

Hindi lang ako sampung taon na production designer…
11 years to be exact…
Yong isang taon doon, ipinahinga ko…
Hinanap ang sarili ko na inakala kong nawawala…

This year, sinubukan ko uli mag PD…
Tinanggap ko ang launching soap ng isang kaibigang direktor…
Nakipagtrabaho sa isang director na kababayan…
Napilit gumawa ng isang proyekto para sa isang bagong kakilalang director…

Ngayon taon din…
Na nominate ako sa Famas at Star Awards…
Nanalo sa Cinemalaya…
Hindi ito kabilang sa mga ipinagdasal ko pero binigay Niya.
Baka kasi gusto Niyang ma-realize ko na ito na ang quota.


Sa pagbabalik ko sa pagdi-disenyo…
May mga dating katrabaho na muling nakasama…
May mangilan-ngilan na napasaya…
Meron ding mga nadismaya…

Tapos na ang episode ko ng Shake, Rattle and Roll…
Patapos na ang Princesa ng Banyera…
Konting tipid na lang may keso at hamon na ako sa Noche Buena…

Kung may mga darating pang proyekto,
Makalibong beses ko na itong pag-iisipan…
Dahil nga…
Nagamit ko na ng lubusan ang gift na ito ni God…

Hindi pala ako nawala…
Masyado lang malayo ang bato ng tingin ko…
Nalalagpasan at nakakaligtaaang buksan ang mga bagong regalo…
Mga patunay na pinanonood at pinaplano ng Diyos ko ang buhay ko.

Marami na akong naging staff na magagaling na ngayong production designer, stylist, art director…
Ang iba taon ang binilang ng pagsasama…
Ang iba nama’y nakasama sa isang proyekto lang…

Si Joe Kenneth…
Si Dave Bronson…
Si Raymund George…
Si Andrew Miguel.

Si Popong…
Si Bojong…
Si Bong…
Si Popoy.

Si Trinka…
Si Guia…
Si Pao…
Si John…
Si Digo.

Kung ang totoong paraan mga paggamit ng regalo ng Diyos ay ang pagbabahagi nito sa kapwa…
Quota na nga ako.
Napakinabangan ko na ng lubos ang regalo ng pagde-disenyo.
Panahon na para bigyang pansin at buksan ang mga bagong regalo.

Ang makukuha kong anim na libo ay ipapagawa ko ng isang eskaparate…
Doon ko ilalagay lahat ng mga larawan na magpapaalala sa akin ng nakalipas na labing isang masasayang taon…

Sa bagong kabanata ng buhay ko, makikipag trabaho ako sa mga batang nais matuto sa mga naging karanasan ko bilang production designer…
Ibabahagi ko ang lahat ng saya at lungkot…
Kung paano ko ninamnam ang mga papuri…
Kung papaano ininda ang masasakit na salita at natuto mula dito…
Wala akong ipagdadamot.

Ako si Dante Nico Garcia,
naging Production Designer.
Nag quota.

First Time Ko Sa Yakult!

First Time Ko Sa Yakult

Do you remember the first time na nakainom ka ng Yakult?

Well, ako sobrang naaalala ko pa… dahil two Sundays ago lang yon… October 14, 2007…

Funny? Pero totoo…

First shooting day ng Boy Kulot Ultimatum…at after mag night cap sa 77 Café, nag car pool kami ng aking ‘Ah… Barkada’…

Unang hanatid sina Maridel at Eric sa ‘puedeng lakarin’ na lugar na itatago natin sa initials na Novaliches…

Eh, dahil cheat day ko yon sa diet ko, sobra akong maganang kumain… tinuturo ko lahat ng bakery na madaananan namin… akala nila nung una nagbibiro lang ako na gusto ko ng pandesal at tingi na keso…

Alam mo ba ang tingi na keso? Nung high school pa ako, ang tindera lang sa San Roque Bakery (Bilibid Viejo cor. Lepanto St., Quiapo) ang nag hahati-hati nun… ngayon sosyal na, dahil may individually wrapped na…

Balik sa kwento… pagkahatid namin kay Maridel… di na talaga ako nagpapigil… tumigil na kami sa isang bakery…

Pandesal, Tingi na Keso, Moo, Peanut Butter ( na tingi din), Mineral Water…

Tapos bumaba si Dawn (o si Ikit?)…

Basta may bumaba na gusto daw mag Yakult…

Tapos may sobra pang sukli kaya binili ko na rin ng isa pang Yakult…

Bigla kong naalala… NEVER PA AKONG NAKAINOM NG YAKULT!

Nung bata, pag umiinom ang mga pinsan ko… nakikigaya lang ako… pa-belong baga… pero hindi ko naman talaga iniinom… ewan ko ba… hindi ko talaga gusto ang amoy at lasa… I doubt naman kung ang pagka promdi ko lang ang dahilan… o baka talagang ignorante lang talaga ang dila ko sa ganung lasa…

Tapos balik sa van… nung una, try ko munang amuyin… then finally, gumawa na ako ng medyo malaking lagok… at isa pa…

Naubos ko ang unang bote ko ng Yakult!

Ang akala nila Eric at Jourdan nagbibiro lang ako…

Bigla kong naalala ang mga pagkaing gusto at ayaw ko nung bata ako…

Parang yong eksena ng food critic ng matikman niya ang Ratatouille (tama ba ang spelling?). Grabe! Ang classic ng acting ng cartoon character na ‘yon… Mas magaling pang umarte kesa sa mga totoong artista… (Tanong: Totoo ba ang chismis na mas madaming magaling umarte ng cartoon character sa Disney kesa sa mga contract star ng ABS-CBN Star Magic?... Bato bato sa langit… ang tamaan… Hindi cartoon character! Hahahaha!)

Balik sa mga gusto ko at ayaw nung bata…

Ayokong mapaaway dahil sa tanong sa itaas. (Kaya ginawa kong mas tanong kesa comment. Hahaha!)

Gusto ko ng Pork and Beans. Alam na alam ‘yan ni Mama Al… Ang sarap kasi lalo na pag iniiwasan mo muna ng kutsara ang kaisa-isang pork sa title role at sa huling subo mo isasabay.

Ayoko na Baguio beans. Minsan kasi, out of hiya ko lang nung kaharap ko si Uncle Rene a mesa at pinipilit niya ang mga anak niya na ubusin ang gulay… pinilit ko din… nasuka ako sa plato ko…

Gusto ko ng ginataang kalabasa. Ayoko ng talong. Kahit anong luto.

Gusto kong inuulam ang hindi hiniwang mangga. Lalo pag hindi ko gusto ang ulam.

Ayoko masyado ng sinabawang isda. Wagi sa akin ang kahit anong luto ng galunggong.

Gusto ko ng kahit anong luto ng atay. Tuwing sinasamahan ko kasi mamalengke si Tatay, binibili niya ko ng konting portion ng atay ay iniihaw niya para sa akin habang pinanonood ko siyang magluto…

Ayoko ng burong kanin… Di ko pa nata-try uli… pero mukhang di ko talaga kaya.

Gusto ko ng Royal Tru-Orange pag may sakit ako. Ewan ko nga ba kung bakit ‘yon ang pinaiinom sa akin. Mukhang wala namang sustansiya. Ayoko ng pinaniwala nila ako na sagana ito sa ‘pulp-bits-ng-Valencia-oranges. Di ko naman nahanap… parang wala naman.

Gusto ko yong de-latang lychee sa Chinese ang tatak. Dilaw ang label at pulang-pula ang naka drawing na lychee. Pang special occasion lang yon nung bata ako pero parating may dalawa o tatlong lata sa cupboard ni Mama.

Gusto ko na ng Yakult… iinumin ko ang second Yakult ko mamaya…

Jordan's New Age and Career!

30th birthday ni Jourdan Sebastian today… October 6.

Kahapon, after several meetings na magkasama kami… we decided to look for a place na puede lang mag chill…

Napadpad kami sa Mogwai sa Marikina Shoe Expo.

Dapat talaga magpapalipas lang kami ng oras dahil around 6pm pa lang nun…
Kailangan naming maghintay ng hanggang 12mn dahil may pinaplano si Ikit na asalto for Jourdan.

Medyo napasarap ang kwentuhan… siguro around 8pm nag-decide na si Jourdan na dun na lang hintayin ang birthday niya…

Na bother si Ikit dahil sa bahay nila pupunta ang lahat ng bisita.

Dahil sa SMS technology… nalipat sa Mogwai ang asalto in no time.

Maya maya, dumating si Lyle Sacris, isa sa mga may ari ng lugar. Excited syang pinakita sa amin ang buong lugar… may theater sa taas ng Mogwai!

Biglang nagkaidea si Jourdan…

Why don’t we show the Ploning pitch video?

Ayun… biglang nagkaroon ng, ika nga ni Jourdan, ‘world premiere’ ng teaser.

At hindi pa nakuntento si birthday boy… after the screening at matapos niyang mag blow ng candle… nagpa Q&A / Open Forum pa ang loko!

Sobrang habang sumasagot ng mga tanong ng mga kaibigan… parang akala mo nasa international filmfest na sya. Hehehe!

Jourdan’s 30th birthday asalto also marked his launch as a mainstream film producer!

__________________________________


Sa ganang akin:

Naging matalik kong kaibigan si Jourdan nung nakasama ko siya sa isang short-term mission sa India.

Isa siya sa mga tao na nagpa realize sa akin na tamang panahon na para i-try ko na gumawa ng ibang bagay…

Siya ang, hindi lang basta nagkumbinsi… mas tamang sabihing nagtulak, sa akin para mag direk.

Last night, seeing how enthusiastic and proud he is about our project, I got so encouraged.

Sobrang grateful din ako kay God na pinadalhan niya ako ng spiritual brother na ka-wavelength ko.

My Mordecai! a.k.a. Ah… George, Happy birthday!

Invest In A Judy Ann Santos Film!

Invest in our film!

August 15, 2007. 1:21PM. Kamarikutan Café and Gallery. Puerto Princesa City, Palawan. Philippines.

Finally, after 7 years na concept lang siya… I already sat down to write my first film.

Tulad ng ilang beses ko ng nabanggit sa mga blogs ko, oo… mag di-direk na ako ng pelikula… ang nakakagulat… dahil nga concept ko ito… dapat ‘written and directed by’ ang billing ko dito… and to really deserve the title… obligado akong careerin ang pagsusulat nito…

Nasa Palawan ako ngayon… to finally put into writing my seven-year-old concept for my fifteen ( o sixteen na ba?) years bestfriend Judy Ann Santos. Kilala nyo siya? Hahaha! Artista siya. At mukhang deserving naman na matawag na ‘artista’… dahil madami dami na ding trophy ang pinamamahayan ng alikabok sa may hagdanan ng bahay niya. (Counted ba dun ang ‘Showbiz Lingo Newsmaker of the Year’?)

Wheewww! Ang hirap palang magsulat… lalo na kung dati ang nasusulat mo lang ay pangalan-tirahan-suking tindahan-lagda.

Totoo si Ricky Lee sa libro nyang Trip To Quiapo (na katabi ko habang nag-a-attempt magsulat), pinakamahirap ang nakaharap ka sa blankong pahina at nag-iisip kung paano magsisimula.

Dasal…
Prayer journal…
Adobo sa Gata…
Kamarikutan blend coffee…

Dasal uli…

Ewan ko nga ba…
Minsan may mga bagay na kailangan mong gawin na hindi mo pinangarap gawin…
Kailangan lang gawin…
Kasi pag hindi mo gagawin… sino ang gagawa?

Maganda ang kwento… sayang naman kung barbero at kutsero na lang ang magsasabuhay nito…
Unang una… wala na halos nagpapagupit sa barbero…
Pangalawa… sa Binondo na lang may kutsero…
Eh sa palawan ang setting ng kwento… at sa nakita ko… more on ‘parlor’ na dito…
So, mapupunta na nga lang sa wala ang kwentong ito kung hindi ko gagawin?…

Minsan may nagtanong sa akin…
‘Bakit ka magdi-direk’?

Sabi ko… tatlong bagay yan…

Unang-una, I have a good story to tell… na sa palagay ko, ako lang ang puedeng magkwento dahil kwento ito ng mga babae sa buhay ko… sapat na yon na dahilan…

Pangalawa… kung saka-sakaling maging magaling ako na director… bonus na lang yon ni God sa akin…

Pangatlo… kung hindi man ako maging magaling na director… maano ba, hindi naman ako ang una…

Hahaha! Biro na may halong ‘bato-bato-sa-langit’ ang pangatlo…

Isa pang tanong…
‘Ano ang style mo bilang direktor’?

Eto ang sagot ko…

Imagine na may sinubmit na script si Lino Brocka kay Mother Lily…
Tapos nakamatayan niya…
After several years… nakita ni Mother ang script and she commissioned Joey Gosiengfiao and Chaning Carlos to collaborate on the project…
Na nakamatayan din ng dalawa…
Gusto niya sanang ipasa kay Joyce Bernal kaso naka kontrata ito sa Star Cinema…
Nung nagprisinta ang wardrobe ni Joyce dahil sayang naman ang mga nagastos ng pagkain sa mga preprod meeting, pumayag si Mother…

Ano ang kalalabasan?

While everybody who wants to direct emulates Hollywood and other great directors, my movie will have the locations of Lino Brocka, the musical numbers of Chaning Carlos, the magic-realism of Joey Gosiengfiao, the humor of Joyce Bernal and the costumes of ‘Super B’ and ‘Mr. Suave’.

And what do I want you to invest in my movie?

PRAYERS!

Paki panalangin lang na sana sa gitna ng kakulitang ito… pumagitna si God at huwag nyang hayaan na ang isang proyekto hinahandog ko sa Kanya ay mawalan ng saysay…

Sa halip, sana ay maging daan ito upang makita ng mga tao kung paano gumabay ang Diyos sa mga mga anak Niya…
Kahit sa isang napaka-unconventional na paraan…


Mabubuting Aral Sa Masamang Karanasan Sa Malate

MABUBUTING ARAL SA MASAMANG KARANASAN SA MALATE

Isang linggo na ang nakakalipas buhat ng mangyari ang isang kaguluhan sa Malate. (Refer to my ‘Masasamang Tao sa Malate’ blog.)

Ang daming nangyari…

Buti na lang meron ng blogs. Nabawasan ng mahigit 50% ang pag-ulit-ulit ng kwento.

Ang daming emosyon…

Madaming matatalik na kaibigan ang sumigaw ng, “Foul”. Nagtimpi ng galit. Nakailang iyak din ang Nanay ko.

Ang daming opinyon…

May mga nagpanukala na mag resbak, may gustong sunugin ang lugar, at may mga nag isip na baka nga guilty ako..

Mas madaming aral…

Lalo kong nakilala ang sarili ko.
Kung gaano kadaling magalit.
Kung gaano kadaling magpatawad.
Kung gaano kabilis puedeng sumunod sa isang maling payo.
Nakita ko kung ano ang pagkakakilala sa akin ng mga kaibigan ko.
Nakilala ko ang mga totoong kaibigan ko.
May mga bagong naging kaibigan.
Nakita kung gaano ko kadaming kaibigan.

Ang matitinding aral…
Kung paanong sa isang iglap, puedeng matapos ang buhay…
Kung paanong sa isang maling balita, puedeng mabura sa utak ng lahat nga tao ang magandang reputasyon na ilang taon mong inalagaan…


Naglalamig ang paa ko matapos kong mapanood ang feature ng ‘The Buzz’. Sana hindi na lang lumabas ang balita. Hindi nakatulong sa kaso ko. Sa halip, nakasira pa sa reputasyon ko sa mga taong hindi nakakakilala sa akin.

Pero naiintindihan ko sila. Gusto lang naman nila ng malaking balita tungkol sa mga artista. Naibigay yon ng balitang ito.

May natutunan ako sa nangyari, magkasing ikli ang buhay at ang magandang reputasyon.

Lalo akong napag isip…

Hindi lang naman sa akin nangyari ito.

Nung isang taon,
Isang director na matalik kong kaibigan ang nabaril sa labas ng isang bar sa Makati.
Isang executive producer na kaibigan ko rin ang tinadtad ng saksak at taga habang nagpapamasahe sa bahay niya.
Kung wala akong kakilala at napunta kami sa isang maling presinto… maari kayang ako ang pumangatlo?

Sa kasalukuyan,
Isang pinsan ko na matatas ang kutungkulan sa military kasama ang pamilya niya ang nagtatago dahil sa paninira ng mga kaibigan sa serbisyo…
Isang U.P. Professor na parang tatay ang turing ko ang kasalukuyang iginagawa ng kung sinong baliw ng mga malisyosong Friendster at Multiply account na saksakan ng baboy ang mga nilalaman.
Kung hihimayin ang sulat ng bar owner… maari kayang isipin ko na higit pa sa hambalos ng bote ang ginawa nilang damage sa reputasyon ko?

Ang tanong: Kung hindi safe sa mga bar… sa bahay… sa presinto… sa workplace… sa internet… sa tv network… San pa tayo pupunta? Hindi na lang tayo gagalaw?

Nung Wednesday, isang representative ng isang law firm ang makipagkita sa akin. Nag alok sila ng tulong sa dahil sa pakiusap ng kaibigan kong matalik at ng asawa niyang senador. Tinanong niya ako kung ano pang aksyon ang gusto kong gawin.

Habang nag-uusap kami, pinipilit kong maghalukay ng galit sa puso ko para lang masamantala ang chance na isang malaking law firm ang tutulong sa akin.

Pero wala na akong mahagilap ng galit.

May ilang agam-agam:
Gaano kaya katagal mananatili sa utak ni Aling Simang na labanderang fan ni Judai na nag bestfriend nito ay nanghihipo sa bar?
Sa dami ng kaibigan ko na galit, kailangan ko bang i-top ang galit nila o ito na ang pagkakataong makita nila kung paanong binago ni Lord ang puso ko sa larangan ng pagpapatawad?
Anong sakit ba ang puede kong ipapataw dun sa pumalo sa akin para mabura ang peklat sa ulo ko?
Ilang sulat ng papuri mula sa bar owners ang puedeng magsoli ng mga luhang pumatak sa mata ng nanay ko pagkatapos niyang mapanood ang balita sa TV?

Hindi nakapagtanim ang nangyari ng takot sa puso ko para sa sarili ko…
Takot ako para sa galit ng mga kaibigan ko…
Takot akong mapatulo uli ng isyung ito ang luha ng nanay ko.
Takot ako na mangyari ito sa isang kaibigan ko at hindi maging kasing bilis ng sa akin ang pagdating ng pagpapatawad.

Ito na lang ang nasabi ko sa lawyer na kausap ko… alang-alang sa mga kaibigan ko na nagalit, sa ikapapanatag ng nanay ko, at ikaw na na-curious at nagbasa ng blog na ito… bahala na silang gawin kung ano ang sa tingin nilang karapat dapat… at ititikom ko na ang bibig ko.

Pero may naiiwang mga tanong.

Bilang bahagi ng Lyrics & Sheets Foundation, itinatag namin last year ang IS DA REVOLUTION. Ang proyekto na naglalayong magpatayo ng ‘Ang Puro’, isang wellness center para pangalagaan ang matatandang artists.

Eh, sino pa ang mapapangalagaan sa wellness center na yon kung ngayon pa lang ay mayroon ng mga napapatay at nababalda ng walang kalaban-laban?

Sino ba ang magsisiguro ng safety natin bawat araw?

Paano tayo maglalakad sa mga hindi pamilyar na lugar? Lalong lalo na sa pamilyar…

Naka isip kami ng isang mahinang tanong na baka lumakas pag sabay-sabay nating ibubulong.


Hindi ito protesta.
Hindi rin upang magpalaki ng gulo.

Gusto lang namin na magsilbing reminder sa lahat ng makakakita ng logo na ito na meron tayong maaring gawin bago pa mabiktima ang mga taong malapit sa atin.

Isipin mo na lang.
Ito ang mas cute at hip na counterpart ng commercial ni John Lloyd Cruz.

Gumawa kami ng mga pins… susunod ang mga t-shirts, stickers. At kung ano-ano pa…

Kopyahin nyo ang logo kung gusto niyo.

Tulad ng cellphone at lip balm…
BE UNCOMFORTABLE WITHOUT IT!

Masasamang Tao Sa Malate

Masasamang Tao sa Malate

Yes… may mga masasamang tao sa Malate na dapat managot sa mga actions nila.

Eto ang kwento niyan:

Yesterday after a movie marathon in CCP for CineMalaya, Andoy Ranay, a television director friend, and I decided to cap the night with a few drinks in Penguin.

Penguin is a bar near

Remedios Circle
na since college (early 90’s) pinupuntahan na namin after rehearsals, performance or just watching a play in the

Manila

area. Familiar ang karamihang theater people sa bar na ito.  Dito naming pinagkukwentuhan ang mga napanood namin bago kami magsipag uwian. Ito rin ang usual meeting place naming bago magsimula ang gabi ng gimik. As a matter of fact, a writer friend, even wrote a Palanca award-winning play about the nights we spent in this bar ( Last Order Sa Penguin by Chris Martinez.)

Last night, Friday, July 27, we saw a few friends there. Ang iba galing din sa CineMalaya. Isa doon ang assistant director ni Andoy na si Raymond.

There was a band who was supposed to play that night kaya sa labas lang kami umupo. When the band started to play at medyo naingayan si Raymond, nag aya sya na lumipat kami ng bar. We transferred to Orosa and had another round of drinks in Sonata. During that time, nawawala wala si Raymond dahil nagba-bar hopping siya at kami lang ni Andoy ang naiiwan habang kinukwento nya sa akin ang pelikula about human rights na gusto niyang gawin.

When it was time to go, Raymond asked kung puede lang kaming dumaan dun sa bar na pinanggalinggan  niya.

Since it has been a long time since napunta ako in that area of Malate, ( Last year when I had a meeting with Peter Serrano at Sonata tsaka two years ago, nung nag shooting kami ng ‘All About Love’. Talent, as in extra pa lang nun si Matt Evans. Ganun na katagal.) pumayag na din kami ni Andoy.

Para

din nga makita ko ang bagong itsura ng Orosa.

We ended up in a bar at the corner of Orosa and

Nakpil St.
( Nung mga bata pa kami, something like Caravana ang pangalan nun, nung nag shoot ako sa area na yon two years ago, Red Banana yata yong nandun.) Ngayon, ‘O’ na ang pangalan ng bar sa puestong yon.

As we entered the bar, medyo crowded siya at madilim. Coming from several short films and a couple of feature films in Cinemalaya. Pagod na ang mata ko at tenga. Ayoko namang mag mukhang kill joy kay Raymond, nag aya na lang ako na sumandal sa isang wall about 2 meters away from the entrance.

In my 10 first minutes at the bar, maliban kay Andoy at Raymond, dalawang tao lang ang kinausap ko, yong isang mama sa bar who reminded me that we got introduced by Judy Ann sometime ago dahil connected sya sa marketing department ng isang endorsement ni Judai, at yong waiter na pinag orderan ko ng beer.

I just concentrated on my, supposedly, last beer for the night at manakanaka ding akong bumabato ng biro kay Andoy at Raymond bilang kung gaano ako katanda at hindi na ako maka-relate sa crowd dahil madami talagang tao at may mga nagsasayaw pa sa ledge na, later on, I learned na ‘go-go boys’ pala ang tawag sa ganun. ( Ang go-go boys ay mga lalaki na akala mo customers lang ng bar pero sumasayaw sila sa ledge, take off their shirt and they get paid for it.) Ang napansin ko lang, dalawa ang ledge, ang isa may harap ko is about three meters away from us, at ang isa sa left side ko ay siguro about 5 to 10 meters away.

Dahil din talagang nagkakabunguan ang mga tao, I tried to glue myself to the wall with my beer. At dahil nasa gitna ako ni Raymond at Andoy, manaka-naka ko na rin lang silang kinakalabit pag gusto kong mag punchline.

It was about our 15th minute inside that bar and almost done with my beer, someone came up to me na may binubulong. Dahil sa ingay wala akong naririnig pero I just thought na baka kinukuha nya ang order ko, I just pointed to Anday and Raymond as if saying na, wala na akong order, check mo na lang ang mga kasama ko kung meron pa sila.

Parang hindi ako naintindihan din nung guy kaya hinila ko uli sya and amidst the loud noise, I tried to make him understand what I was trying to tell him. Then he left.

In less than a minute, bigla na lang akong nakaramdam na may pumukpok sa ulo ko ng bote.

Seeing only flashes of light, naramdaman ko na lang na may commotion na at hinihila ako ni Andoy palabas habang hawak ko ang ulo ko.

We were already outside the bar when I gained consciousness, umorder na lang uli ako ng beer sa waiter na nasa tapat ko para magmukhang in control ang situation at hindi ko maramdaman ang hilo at ang dugong dumadaloy sa ulo ko and started to make a few calls to some friends who might be able to help me in the situation. Isa sa tinawagan ko, dahil bestfriend ko siya, si Judy Ann Santos.

After the calls, I learned from the people na nakapalibot sa akin na ang pumalo sa akin ay isang waiter na minsan ay go-go boys din and I also realized na parang walang tumutulong sa amin from the management of the bar. Pinatawag ko ngayon ang manager ng bar. A girl came up to me, said a few things na hindi ko din naintindihan dahil hilo pa ako, then left again and headed to a table at the Nakpil side of the establishment. I shouted at her and asked her to attend to me dahil nga obligasyon niyang ayusin ang situation. I saw her talking to a few people at pagbalik niya uli sa akin, may accusations na siya na nanggugulo daw ako sa loob at nanghihipo. Yes, yon talaga ang ginamit nilang term… ‘nanghihipo’.

Naabutan kong Penguin, The Library, at Blue Café pa lang ang gimikan sa Malate. Rows of apartments pa lang ang kinakalagyan ng O Bar. It was my most naughty years, at nasa Malate ako every weekend, wala ni isa man puedeng magsabi na gumawa ako ng kahalayan doon. And all my friends from Dulaang UP na mga kasama ko all those years can attest to that.

To continue with the incident, may mga dumating na pulis sa scene who were trying to arrest us dahil nanggugulo daw kami. Rumesponde sila to call a from a certain Christine na manager ng bar.

Buti na lang at that point pala, Andoy was already talking to Vice-Mayor Isko Moreno sa cellphone. Andoy had to give his phone to the police para makausap nila si Isko just to assure them na kilala niya kami at malabong kami ang pagmulan ng gulo.

At this point pala, nandun na din ang owner ng bar at alam na din nila that we have been trying to contact some people kaya nag namedrop na rin siya na kilala niya si Ces Drilon.

Pinapasok din kami uli ng pulis pero wala na dun sa loob ang suspect, nung nakita ko may may bukas na pinto sa likod at malamang napatakas na nila, bumalik na lang ako uli sa labas.

Then dumating si Judai, siya naman ang hinarap ng owner at sinabihang, “Akala ko press ang darating, ikaw lang pala. Hindi ako nasa-starstruck sa ‘yo”

Then Judai answered, “Hindi ako nandito para i-starstruck ka, nandito ako dahil bestfriend ko ang napalo, duguan siya at kailangan ko siyang saklolohan.”

Then Judai started asking for the identity of the suspect pero wala silang maibigay dahil wala daw silang files ng personal information ng pumukpok sa akin dahil contractual lang daw siya.

Sinabi ni Judai na, “Bar owner din ako, I keep personal records of all my staff, kahit tatlong araw lang sila magtatrabaho sa akin.”

Tapos humirit daw ang lalaki ng, “Mabuti na rin na dumating ka, this will mean good business for me.”

After that, nag aya na si Judai pumunta ng hospital dahil nagpuno na siya sa kabastusan ng mamang kausap niya.

Dahil sa lakas ng palo sa ulo ko, wala akong naramdaman at that time, nakikita ko lang ang madaming tao na gumagalaw sa harapan ko at ang mga ingay.

Today, I learned na nangyari na rin pala ang similar situation sa bar na yon last month. Kinampihan din ng owner ang staff niya na nangbugbog na customer. Hindi namin ngayon alam kung ang taong ito was able to press charges or umalis na lang siya para makatakas sa fabricated humiliation na ginawa ng owners.

Ito ang dahilan ko why I’m writing this letter. It is not the first time na may nabalitaan tayo na may napokpok ng bote sa isang bar, may kasalanan man o wala. Pero this is the first time na naka-encounter ako ng ganun ka iresponsableng bar owners. Nagkaroon din ako ng bar sa Esquinita dati and I was in control sa lahat ng gusot sa bar ko.

Ano ang nasa isip ng bar owners na ito when they tried to fabricate stories and humiliated me infront of the Friday night Malate crowd? Maglalakad lang ako na bahag ang buntot papunta sa dilim?

Kung kaya nilang bastusin ang isang Judy Ann Santos na isa sa pinakarespetadong batang artista, ano na lang ang puede nilang gawin sa mga ordinaryong mamamayan lang?

What happened inside O Bar at

3:30 A.M

of July 28 was just physical injury. Madaling mmaghilom ang sugat. Pero nakakatakot na kahit nasa loob ka ng isang establishment, possible palang ang mga staff na nandun dapat to serve you ang mananakit din sa iyo.

Pero mas nakakatakot ang nangyari sa labas ng O Bar, may mga tao na hindi nila alam ang mga obligasyon nila sa business at sa customers nila. Kung dati nakakatakot maglakad sa isang madilim na kalye, mas nakakatakot palang pumunta sa loob ng isang establishment na supposedly ay may mga permits to operate yet ang mga taong nagpapatakbo nito ay walang alam sa ginagawa nila.

Being the president of Lyrics and Sheets Foundation, I also have my own advocacies. Hindi kasama dito ang pangangalaga sa welfare ng mga gumigimik sa Malate. Pero alam kong pag hinayaan kong wala akong gawin sa nangyaring ito, maraming kaibigan ko na naniniwala na inosente at naapi ako ang madi-disappoint.

At pag nabalitaan ko na nangyari pa ito uli sa isa pang tao who have lesser connections than I have, madi-disappoint din ako sa sarili ko at manghihinayang na noong panahon na minsang nagkaroon ako ng pakakataong magsalita at maiparinig ang aking kwento ay itinikom ko ang aking bibig.

Dante Nico Garcia

(Pakipasa na lang sa mga mahal mo sa buhay na sa tingin mo ay posibleng maging biktima ng ganitong sitwasyon katulad ko.)

Ploning Lyrics & Translations

Finally, the lyrics and the translations of the Cuyonon song that inspired my upcoming film project, Ploning.

PLONING
The Cuyonon lyrics:

Ploning…
Nga labing maleban
Ang gegma mo, Ploning
Nga ing kandaduan
Lisensya ko, Ploning
Kung sarang tugutan
Mapamasyar ako
Sa marayeng lugar.

Ploning …
Pobre akong masyado
Ara ako sasalan
Nga mga requerdo
Ara ako bulawan
Ara ako dinero
Solamente, Ploning
Demdemen mo ako.

Ploning…
Pagsarig kanaken
Tedek sa akeng leba
Ang akeng bisara
Tigbas mo sa bato
Kemkemen sa panyo
Indi engued ag kupas
Maski ara ren ang lawas.

PLONING
The Literal Tagalog translation:

Ploning…
Na ubod ng bait
Pag-ibig mo, Ploning
Na nakakandado
Paalam ko, Ploning
Kung iyong papayagan
Mamamasyal ako
Sa malayong bayan.

Ploning…
Mahirap ako masyado
Walang maiiwan
Na mga ala-ala
Wala akong ginto
Wala akong pera
Pakiusap, Ploning
Isipin mo ako.

Ploning…
Magtiwala ka sa akin
Tapat sa loob ko
Ang mga sinasabi ko
Itaga mo sa bato
Balutin ng panyo
Hinding-hindi kukupas
Kahit wala na ang katawan ko.


PLONING
The Tagalog translation for the movie:

Ploning…
Labis kitang mahal
Pag-ibig mo, Ploning
Sana’y akin lamang
Paalam ko, Ploning
Nawa ay payagan
Mamamasyal ako
Mangingibang bayan.


Ploning…
Sa aking paglayo
Walang maiiwang
Ala-ala sa iyo.
Wala akong ginto,
Hirap ang tulad ko
Nakikiusap, Ploning
Hintayin mo ako.

Ploning…
Ako’y sumusumpa
Sa puso nagmumula
Sana’y magtiwala…
Itaga sa bato
Balutin ng panyo
Kailanma’y di kukupas
Kahit hanggang wakas.